Idol, heto nga pala procedure sa paggawa ng itlog na maalat.
1. Kumuha ng lupa from Termite Hill.
2. Pinuhin ang lupa or ibabad muna ovenight para siguradong pinong-pino.
3. Haluan ng rock salt ang lupa (1:1 ang ratio). Lagyan ng tubig at masahin hanggang maging malalapot (parang puree). Dapat nasasalat mo rin yung asin.
4. Itubog sa solution ang sariwang itlog ng itik (dapat coated ng putik/asin/tubig ang itlog).
5. Ilagay ang itlog na coated ng putik at asin sa isang kahon na sinapnan ng plastik.
6. After at least 14 days, hugasan ang itlog at iluto sa atay atay na apoy sa loob ng 5 oras o mahigit pa. Huwag pababayaang kumulo/sumulak ang tubig at mababasag ang mga itlog.
7. Kung sariling gamit lang, huwag ng kulayan. KUng pang-benta, itutubog sa kumukulong tubig na may "fucshine red" dye.
Ang sikreto sa matagal na shelf life at malinamnam na lasa ay ang matagal na paglalaga. Kung gusto mo yung mas naglalangis-langis ang egg yolk, pwedeng mas matagal pa sa 14 days na naka-imbak bago lutuin. Sa experience ko, yung 18 days ay mas naglalangis ang pula pero gumagaan naman ang itlog at tumitigas ang puti.
Yung ibang itinitinda sa palengke ay gawa sa infertile eggs sa balutan kaya madaling mabulok at matigas ang pula. Iba syempre ang lasa pag sariwang itlog ang gagamitin.
Thursday, April 30, 2009
Wednesday, April 29, 2009
SAM organics
SAm farm will now be venturing into organic fruits and vegetables. our very first start is to get a domain name for our site with "organic" in it.
visit our site:
http://www.samorganicfarm.com/
visit our site:
http://www.samorganicfarm.com/
Subscribe to:
Posts (Atom)